Monday, November 26, 2007

I need salvation.

Napadaan ako sa blog ni Yana. Napaisip akong pwede na man akong mag-tagalog sa posts ko. Haha. Masyado lang talaga siguro akong proud sa aking pag-iingles kaya lahat ng posts ko ay Ingles. Natatawa ako sa sarili ko!

I need salvation. Ika nga ni Felip. Naisip ko, ako rin, kelangan ko yun. Dahil? Dahil naaawa na ako sa sarili ko. Mukha na akong baliw. Kahit ano na lang ang naiisip ko at bigla ko itong gagawin o sasabihin. Ano na nga ba ang nangyayari sakin? Psychologically Sick?! Haha. Pwede! Sabi ng isang staff sa school (nakalimutan ko ang pangalan, pasensya na), magiging Psychologically Sick ka raw kapag di ka kakain ng maayos. Aah! Kaya naman pala mukha na akong baliw eh. Haha. I skip meals. Hindi tama yun pero naiinsecure ako sa sarili ko dahil lumalaki na ako. Kinakanchaw na ako ng mga kaibigan ko.

Getting of report cards nga pala nung nakaraang Biyernes. Ayun, 3 na ang pula ko. Ewan ko ba ano nang nangyayari sa akin. Tinatamad na akong mag-aral pero pagsisikapan ko na ngayong susunod na markahan. Gusto kong grumaduate pero ayoko'ng mag college. Ang gulo ko noh? Kelangan ko ng inspiration para makapasa ngayon. Sabi nga nila, crucial stage na raw to para sa aming mga graduating students. Eh, sana naman makakayanan ko to. Mag-aaral na ako ng maayos. I promise to myself!

Malapit na ang pasko, sana naman makuha ko na ang inaasam-asam kong salvation.

No comments: